Posts

Showing posts from June, 2007

Bio Jet 1 take off!

Wala. naalala ko lang yung Bioman. Ba't ganon? Astig para sakin ang Bio Team pero kangkarot naman ang Power Rangers. Ba't ganon? Idol ko si Alexis at gusto kong maging tulad ni Shaider na Pulis Pangkalawakan. Pero galit din ako sa kanya dahil kasama niya si Ani. Life is unfair. Asan ka, Ani ng buhay ko? Ba't ganon? Naisipian nilang gawing tipaklong si Masked Rider Black. Di ba pwedeng alupihan nalang? At mas astig sana kung ni-retain niya nalang yung orig niyang pangalang Black Sun. Hay, sana ako din may king stone. Ba't ganon? Ang hirap manalo sa Takeshi's Castle. Ba't ganon? Pag sumigaw na ng "Laser sword!" si Voltes V at "Double Blizzard" si Daimos, 80% of the time panalo na sila. Ang bopols naman gumawa ng Beast Fighters ng Bozanians at Brahmins kahit na mas advance teknolohiya nila. Ba't ganon? Sa pwet lumalabas ang machine gun ni Astro Boy. Parang obscene. Ba't ganon? Di nila tinapos yung Time Quest. Asan na si Tak