Posts

Showing posts from May, 2016

Happy Mother's Day 2016

Image
Sa lahat ng mga nanay, mabuhay po kayo! Alam namin, hindi niyo lang sinasabi o pinapahalata, pero marami na kayong sakripisyong ginawa mabigyan lang kaming mga anak at anak-anakan ninyo ng mas maginhawang buhay. Alam namin na gusto niyo din sana ng 2pc chicken joy pero dahil gusto pa namin ng fried chicken, binibigay niyo na lang samin yung isa, may kasama pang ngiti. Alam namin na gusto niyo pa sanang matulog pero inuunahan niyo na ang mga manok sa paggising para lang maihanda ang mga baon at gamit namin para sa eskwela o trabaho. Alam namin na maraming beses niyo na kaming gustong kutusan pero laging hinahabaan niyo pa ang pisi ninyo at pag-unawa. Alam namin na nagdurugo puso ninyo pag kami ay nabibigo o nasasaktan pero kayo pa ang unang yayakap sa amin at magsasabing, “Kaya mo yan.” Alam namin ang sikreto ninyo, kahit puspusan ang pagtatago ninyo nito. Kayong mga nanay namin, kayo ay mga tunay na superhero. At alam namin na utang namin sa inyo