Posts

Showing posts from August, 2009

Paghatid

Ihahatid kita Ng may buong pagmamahal Sa kung saan puno ng saya Kung saan puno ng kapayapaan Doon, ihahatid kita Ihahatid kita Ng may buong pagmamahal Kung saan ikaw ay mangingiti Sa lahat ng makikita, sa lahat ng madadama Doon, ihahatid kita Ihahatid kita  Ng may buong pagmamahal Hawak ang iyong kamay Ako ang iyong magiging gabay Doon, ihahatid kita Ihahatid kita  At ako ay mamamaalam Dahil sa kung saan ka pupunta Sadyang ikaw ay kailangang mauna Ihahatid lang muna kita Ihahatid kita At maiiwan muna ako dito Taglay ang buong pagmamahal sayo Ako ay ngingiti at bibitaw na Ihahatid lang muna kita Ihahatid kita ngayon Ngunit sa pagsapit ng aking dapithapon Ako ay umaasa Na may buong pagmamahal Na susunduin mo naman ako. *Para sa mahal kong nanay sa araw ng paglaya ng kanyang kaluluwa mula sa kanyang katawan.