Paghatid
Ihahatid kita
Ng may buong pagmamahal
Sa kung saan puno ng saya
Kung saan puno ng kapayapaan
Doon, ihahatid kita
Ihahatid kita
Ng may buong pagmamahal
Kung saan ikaw ay mangingiti
Sa lahat ng makikita, sa lahat ng madadama
Doon, ihahatid kita
Ihahatid kita
Ng may buong pagmamahal
Hawak ang iyong kamay
Ako ang iyong magiging gabay
Doon, ihahatid kita
Ihahatid kita
At ako ay mamamaalam
Dahil sa kung saan ka pupunta
Sadyang ikaw ay kailangang mauna
Ihahatid lang muna kita
Ihahatid kita
At maiiwan muna ako dito
Taglay ang buong pagmamahal sayo
Ako ay ngingiti at bibitaw na
Ihahatid lang muna kita
Ihahatid kita ngayon
Ngunit sa pagsapit ng aking dapithapon
Ako ay umaasa
Na may buong pagmamahal
Na susunduin mo naman ako.
*Para sa mahal kong nanay sa araw ng paglaya ng kanyang kaluluwa mula sa kanyang katawan.
nakakaiyak naman red. i see your strength and love here. your mom must be very proud of you. :)
ReplyDeletei love you very much kuya red. :)
ReplyDeleteShe must be proud :)
ReplyDeleteAwwww... shucks tearjerker... Hang in there red... hugs :-)
ReplyDeleteHi red, i'm very sorry to hear this. you have been raised very well and i'm sure you will carry on with her strength and yours. God bless you, your mom, and your family in this difficult time... *hugs*
ReplyDeleteThank you all for the kind words and messages of support. :)
ReplyDeleteaww, red... continue to love like that, okay? :-)
ReplyDelete