Posts

Showing posts from June, 2010

Alaala na lamang ang natitira.

Image
Sa ngayon ay wala na siya. Alaala na lamang ang natitira. Ngunit mula sa abo na sa ngayon ay kanyang kinahinatnan ay babangon at magsisimulang muli. Hindi ito ang katapusan. Ang bahay na pinuno ng pagmamahal, kailan man ay hindi mabubuwag o masisira. Tila ito'y pagbabago lamang ng anyo ng bahay na pagmamahal ang nagbuo. Ito ang akin - ang aming - tahanan. Sa iba ay Sanctuario ang naging ngalan. Hindi, hindi pa ito ang katapusan ng bahay na binuo ng pagmamahalan.