Alaala na lamang ang natitira.


Sa ngayon ay wala na siya.
Alaala na lamang ang natitira.

Ngunit mula sa abo
na sa ngayon ay kanyang kinahinatnan
ay babangon at magsisimulang muli.
Hindi ito ang katapusan.

Ang bahay na pinuno ng pagmamahal,
kailan man ay hindi mabubuwag o masisira.
Tila ito'y pagbabago lamang ng anyo
ng bahay na pagmamahal ang nagbuo.

Ito ang akin - ang aming - tahanan.
Sa iba ay Sanctuario ang naging ngalan.
Hindi, hindi pa ito ang katapusan
ng bahay na binuo ng pagmamahalan.

Comments

Popular posts from this blog

I'm half gay. That makes me 1/4 female.

Adventure update

Inanities