Posts

Showing posts from June, 2011

Usapang June 10, 2011

Alam mo, minsan talaga may mga bagay lang na kailangan mong gawin ng walang kaplano-plano. Dahil kung hihintayin mo pang sumakto o umayon ang lahat sa plano mo, malalaman mo nalang na lumipas na ang pagkakataong magawa mo sana yung gusto mo. Di naman mahirap ang buhay. O sige, sige, minsan talaga may mga unos. Pero alam mo bang ikaw din ang nagpapahirap sa mga bagay tuwing ikaw ay hindi kumikilos ayon sa puso mo? Kung lagi ka nalang magpapadala sa mga sumpong ng utak mo, ginagawa mo lang mas komplikado ang kalbaryo mo. Kaibigan, minsan subukan mong tumalon nalang kung yun ang sinasabi sa kaibuturan ng puso mo. Mapapansin mo nalang na ang lahat ng takot na pinaniniwalaan mo ay hindi totoo. Nasindak ka lang siguro ng sigaw ng utak mo. Ngayong nahaharap ka sa isa muling pagsubok sa buhay mo, huwag ka nang matakot at magpatakot. Sadyang mapaglaro at makulit lang ang utak mo. Subukan mong bitawan ang mga paniniwala mong walang mangyayari sa buhay mo nang malaman mong sa gagaw