Usapang June 10, 2011
Alam
mo, minsan talaga may mga bagay lang na kailangan mong gawin ng
walang kaplano-plano. Dahil kung hihintayin mo pang sumakto o umayon
ang lahat sa plano mo, malalaman mo nalang na lumipas na ang
pagkakataong magawa mo sana yung gusto mo.
Di
naman mahirap ang buhay. O sige, sige, minsan talaga may mga unos.
Pero alam mo bang ikaw din ang nagpapahirap sa mga bagay tuwing ikaw
ay hindi kumikilos ayon sa puso mo? Kung lagi ka nalang magpapadala
sa mga sumpong ng utak mo, ginagawa mo lang mas komplikado ang
kalbaryo mo. Kaibigan, minsan subukan mong tumalon nalang kung yun
ang sinasabi sa kaibuturan ng puso mo. Mapapansin mo nalang na ang
lahat ng takot na pinaniniwalaan mo ay hindi totoo. Nasindak ka lang
siguro ng sigaw ng utak mo.
Ngayong
nahaharap ka sa isa muling pagsubok sa buhay mo, huwag ka nang
matakot at magpatakot. Sadyang mapaglaro at makulit lang ang utak mo.
Subukan mong bitawan ang mga paniniwala mong walang mangyayari sa
buhay mo nang malaman mong sa gagawin mo'y maraming pwedeng mangyari
pala dito.
Tama
na, kaibigan. Tama na ang pagkapit mo sa lungkot at sa paghangad ng
kasiguruhan. Wala naman talagang sigurado sa buhay. Kaya nga lalo
itong masaya, di ba? Kasi di mo alam kung anong bubungad sayo pagliko
mo sa isang kanto. Di ba't exciting? Saka mo mapapatunayan kung san
ka gawa bilang nilalang sa mundong ito.
Wag
mo nang pilit intindihin. Mahirap talaga intindihin kung ibabase mo
lang sa kasalukuyang karanasan mo. Subukan mong tanggapin at danasin.
Siguro matapos non, maiintindihan mo na.
Ikaw
nalang hinihintay ng magandang bukas, ng magandang ngayon. Tara na.
Miss na kita.
Comments
Post a Comment