Posts

Showing posts from 2014

Ang ika-lima

Image
Ito na ang ika-lima. Matagal ko nang pinaghandaan ito. Alam mo yan. Nung unang taon pa lang sinabi ko na bigyan lang ako ng limang taon at matatapos ko din ang proseso ng acceptance.  Ika-lima na.  Partida na, tanggap ko naman na. Pero siyempre hindi maiiwasan--at sa totoo lang naman, di ko din naman talaga kaya--na hindi ka maalala at mamiss. Eh ilang pulutong ng tao nga ang hindi magawa yon eh, tapos ako pa?! Naman! Si Tita Rose na lang ang isang halimbawa. Nung nagkita kami nung isang araw, binabanggit lang niya na mae-enjoy mo sana yung Jungian conference na inattendan niya eh napaluha na siya. Paggising ko kaninang umaga, akala ko planado at plantsado ko na ang araw na ito. Pupunta ako ng opisina. Magpapanggap akong magtatrabaho. Pupunta ako ng vet at gagawin ang iba pang mga errands. Uuwi at saka uupo sa tapat ng computer para gawin ang taunang pag-alala sayo. Kaso nasira ang schedule ko. Nung umaga, pagcheck ko sa FB, ang bumungad sa akin ay ang post ni ...