Ang Interfaith Fair

Nakakatuwa kagabi sa interfaith rally sa Ayala.

Masaya pala magrally. Pinaglalaban mo na nga ang paniniwala mo, naaaliw ka pa. Kung alam ko lang na mataas ang entertainment factor sa mga rally eh sana lumahok na ako sa maraming rally nung nasa kolehiyo pa ako. Marami pala akong namiss.

Mantakin niyo, sa Ayala pa nagrally. Ito na yata ang the best venue para mga sa rallyistang gusto din makakita ng pretty faces. Sabi nga naming magbabarkada nung minsang naglalakad kami sa Ayala Avenue nung 2004, "Tol, we could live and die here." sa dami ng mga pwedeng hangaang Makati girls. Ngayong 2008 ganon pa din, pati mga rallyista gumaganda din. Nakaka-amaze.

To be fair din naman sa mga kaibigan kong babae, mageenjoy din naman silang mag boy watching. Artistahin din naman ang boys ng Ayala. Pero siyempre wag nalang silang pagusapan dahil sila'y mga kalaban naming karaniwang lalake.

Pero, gusto ko lang maging klaro na naniniwala naman ako sa pinaglalaban nung mga nagtungo don. Kaya nga nandon din ako eh. Napansin ko lang ang mga perks ng pagrarally.

Napansin ko nga din na napaka business minded talaga ng mga taga Makati. Sila manong squidball, ate mineral water-coke-c2, manong magmamani at manong magmamais e tiba-tiba sa mga rallyistang gutom. Kaya naman biglang sumulpot na din si manang maglulumpia, carioca at bitso-bitso, pati na si manong inihaw na pusit para makabenta din. Para tuloy siyang UP Fair lalo na pagdating ng gabi. Di ba't sila din ang main-stays sa UP Fair?

Siyempre nandon din ang mga nagbebenta ng samu't saring tshirt na tangan ang imahe ni Lozada o di kaya'y nakasulat ang moderate your greed at kung anu-anong anti-administration slogans. Gusto ko nga sana bumili ng t-shirt na nakalagay President Evil at Deliver us from Evil kaso wala na akong size. Puro Extra Small nalang.

Meron ding naglalako ng pins, stickers, caps and visors. Lucrative din pala sa mga rally. Madami kasing gustong bumili ng souvenir.

Pero ito ang di ko inaasahang makita don. Siya na yata ang may pinakamatinding entrepreneurial spirit.

Sayang lang at hindi ako nakakuha ng mas magandang picture. Pero yang dala po niya ay hindi streamer na nagpapababa kay Gloria. Ang nakasulat po diyan ay:

Load na dito! Globe and TM subscribers.

Astig di ba?

Ngayon lang din ako nakaattend ng rally na may pa-concert. May mga kilalang banda at artists din tulad ni Noel Cabangon at ang The Jerks upang pasiklabin ang apoy ng pakikibaka ng mga tao. Siyempre may mga front acts din mula sa mga youth groups na may banda. Fair na fair talaga. Si Pen Medina pa ang host. San ka pa?

Ganon din kaya nung EDSA I?

Mabuti nalang at hindi kami sinugod ng mga sundalo. Di din naman nag declare ng Martial Law si GMA. Bad trip lang ang mga tao dahil ginawang no fly zone ng PNP at AFP ang Makati bigla. Di tuloy nakunan ng ABS-CBN Sky Patrol ang sandamakmak na rallyistang nandon.

Mayron ding mga interesting characters sa mga rally. Yung mga tipong bigla ka nalang kakausapin at hihingin opinyon mo o di kaya'y gusto lang ng may makakwentuhan. Pero ang mga kwento tungkol sa mga taong ito kailangan ng isa pang artikulo para mabigyan ng hustisya ang karakter nila.

Basta, masaya pala magrally. Basta maayos lang ang usapan ng mga magrarally at mga pulis. Peaceful kasi, walang binugahan ng tubig ng bumbero, walang pinalo at walang binato ng molotov cocktail. Yun naman dapat. Respeto lang. Hayaang pairalin ang karapatan ng tao na maghayag at humingi ng redress mula sa administrasyon.

Kaya kayo, makirally na din kayo. Sabi nga nila, "Makibaka. Wag matakot!"

Masarap sabayan ng pagnguya ng squidball ang pagtaas ng kamay laban sa mapaniil na administrasyon. Pramis.







Comments

  1. kakatuwa naman your experience. sana pumunta ako. gusto ko sana kaso ayaw ng nanay ko. nagmakaawa siyang wag akong pumunta. napraning na ata. hahaha.

    ReplyDelete
  2. hehe. masaya talaga. para talagang UP Fair don tol. Pero mas nakakatuwa dahil di puro Stand-UP ang bida tulad ng sa fair natin. hehe.

    ReplyDelete
  3. May nakita kang shirts na may nakalagay na "Bubukol 'yan!" tapos may arrow pababa? Kilalal ko nagpagawa non. hahahaah

    Anyway, kelan ba matatapos 'yan? Tagal ng climax.

    ReplyDelete
  4. Antagal ko na din inaantay ang climax, nabbwiset na rin ako eh! oo nga red, yang no-flyzone na yan, nagrisk pa ako ng life and limb sumakay ng Huey na dapat sana lalapit don, kaya lang di pinayagan! yung isang rescue chopper lang ng Air Force ang nakapasok, at nagalit ang air traffic controller dahil pinatay daw nya radio at bigla na lang nagbreach ng no-flyzone. Clever pilot, I must say.

    ReplyDelete
  5. Jeco: may ganong shirt? wala akong nakita. baka naman napaka unti ng ginawa nila. hehe.

    Tarra: Ba't ba nila dineclare na no-flyzone? natatakot ba silang mawitness ng iba na madaming pumunta? hehe.

    Jeco and Tarra: Kailan matatapos, 'ka nyo? Tanungin niyo si nunal. Siya nalang naman hinihintay eh. hehe. Sana nga matapos na. Pero ang tanong kasi, pag natapos ang administrasyong ito, yung papalit ba would be someone better? hay...

    ReplyDelete
  6. sounds fun kuya! next time nga makadaan dito... mukhang masayang experience yan eh! =)

    ReplyDelete
  7. tsong, hihirit lang ako sa pretty faces ng ayala...TOTOO ito! :D (syempre, matagal ko ng alam ito..haha..:D)

    ReplyDelete
  8. carla: masaya talaga. lalo pag nagsilabasan na ang mga workers. hehe.

    frank: di ba? di ba?! I could live and die there. hehe. Pero di ba dapat bawal ka na tumingin? hehe.

    ReplyDelete
  9. ^ NOON yun red..hehe.. :D ngayon, pwedeng-pwede na! haha.. :D

    ReplyDelete
  10. noon? may di ba kami nalalaman? haha. anyway, tara, tambay tayo sa may ayala. haha.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

I'm half gay. That makes me 1/4 female.

Adventure update

Inanities