Mga samu't-saring chenez
Dear Lord, Hello po. Napapansin ko lang po kasi, parang all out tayo ngayong 2008 ah. Wala pa po tayo sa kalahati pero madami dami na tayong pinagdaanan at dadaanan pa. In fairness, lahat naman po yon nalampasan na at nilalampasan na, kaya salamat po. Lagi, salamat po sa Inyo sa lahat. Di ko maalala kung nagsabi ako dati ng 'bring it on.' Ang alam ko po kasi hindi eh. Ay wait, kakaalala ko lang na sinabi ko na magiging mahiwaga ang ika-25th year ko sa balat ng earth. Ito na po ba ang manifestation non? Siguro ito nga, at kung ito nga ibig sabihin po ba hapitan na ito hanggang August o na-spread out po ba natin hanggang December na? Oo nga no? Ngayon pong napagisipan ko ng konti simula ng mag blow ako ng candle nung August last year sunud-sunod na ang mga "mahiwagang" nangyayari sa akin. Nagkaron ng madaming pagbabago ang ginagalawan kong mundo. Pati ang mga trip ko nagbago at patuloy na nagbabago. Labas pasok sa buhay ko ang samu't-saring tao na madaming naibaha...