Kwentong TSG - Isang duktungan

Habang kumakain ng siopao at mami sa Ma Mon Luk sa may Quezon Avenue last Saturday, napagusapan namin nila Frank, Maya at Kirk na magpasimuno ng isang laro-laro.

Konting intro: Nagsimula talaga lahat dahil sa Angge (hearts) Marlon kwentuhan na kung anu-ano nang kinabit na kwento. Kaya ngayon nagpropose ako ng isang duktungan game. Dapat nung Sabado ko pa ipopost kaso ngayon lang ako nagka-oras. hehe.

The rules.

Simple lang naman...

1.  Gagawa lang tayo ng kwento. (Sa mga members ng iba't-ibang forums baka pamilyar na kayo sa ganito). Sisimulan ko with one sentence tapos magcontribute kayo ng isang sentence din para duktungan ang kwento.

2. Bawal mag-flood. Pagkatapos niyo mag-contribute, hintaying may ibang magcontribute saka niyo duktungan yung sa kanya. Para lahat may participation.

3. Para magcontribute, ipost niyo lang siya as a comment. You can be creative with your contributions. Kanya -kanyang diskarte nalang yan.

Yun lang. siguro kung may mga nakalimutan akong rules eh saka na natin ayusin. Don't worry, ire-restrict natin ang access to TSG members and friends (yung mga napadpad na ng Sunken kahit isang Saturday lang). Laro-laro lang naman ito kaya sana walang pikunan. Kung may mapikon eh di itigil nalang natin ang kalokohang ito. hehe.

Game? Simulan ko na.

"Isang Sabado nagkita-kita ang Team Sunburn Garden sa - saan pa? - Sunken para maglaro ng football."


Comments

  1. May isang newbie - tumalon sa unang salo ng bola. Ang gago feel na feel kahit ang layo sa bola. Ayun....

    ReplyDelete
  2. ...Tumambling tuloy siya at nasalo ng panga niya ang bola...

    ReplyDelete
  3. ang kawawang ateng newbie, bumagsak sa lupa; at haplos ang kanyang panga ng may nasilayang magandang tanawin.

    hehe..:D

    ps. jec, one sentence lang! naka 2 ka na...haha..:D

    ReplyDelete
  4. Dumating na pala si teammate Angge in her sporty attire, kaya ayon at nawalng lahat ang pagod at sakit na nararamdaman ni newbie.

    ReplyDelete
  5. Natanaw siya ni newbie, na di-umano'y parang may nakabalot na liwanag habang nag-sstride, pakaway-kaway, palapit ng Sunken Garden, at tila kumakanta (pero sa totoo lang eh sumisigaw), in her angelic Angge voice, "Guuuuuuuuuys, gusto ko ng taho!"

    ReplyDelete
  6. At mabilis na kumaripas si newbie upang mangharass ng mamang taho vendor upang makapag-alay ng mainit na soya at matamis na arnibal kay Angge.

    ReplyDelete
  7. pagkatapos bumili ng taho, dahan-dahang lumapit si newbie kay angge, habang ingat na ingat na hindi matapon ang matamis na luto.

    ReplyDelete
  8. At sabi ng newbie, "Angge, this is for you. I'm glad you came into my life...este...to Sunken Garden."

    ReplyDelete
  9. sabi ni angge: "salamat, ano na ngang pangalan mo ulit?"

    ReplyDelete
  10. Mahaba-haba ang moment of silence, until may humirit kay newbie ng "Chong, may yosi ka?"

    ReplyDelete
  11. sabay tanong, "Sino may lighter?"

    ReplyDelete
  12. suntok sa buwan, karlo: marunong ka ba mag-rap?, di pala e!!!

    ReplyDelete
  13. At bigla sabi ni newbie, "Yo, dude, pare, tsong, i know how to rap dawg!" at nakaligtaan ng ibigay ang pangalan kay Angge na nagwawarm-up na.

    ReplyDelete
  14. Nakahinga ng malalim si newbie a.k.a. "chong," dahil hindi niya alam kung paano kausapin si Angge, pero, at the same time, nainis sa sarili sa missed opportunity -- kalimutan ba naman daw ang sariling pangalan.

    ReplyDelete
  15. So nanalangin nalang si Chong kay Bathala na sana ka teammate niya si Angge sa laro para matabihan man lang niya ito sa huddle.

    ReplyDelete
  16. Dahil sobrang bait ni Bathala pinagbigyan niya agad ang panalangin ni Chong at nagulat siya ng humingi din ng yosi si Angge.

    comment ko: ang ganda ko talaga.. ako na naman ang star? hahaha :p

    ReplyDelete
  17. agad namang kumuha ng yosi si chong at iniabot kay angge;sa kanyang pag-abot, di naiwasang madampian ng palad ni chong ang palad ni angge.

    ReplyDelete
  18. Tila may dumaloy na kuryente sa mga kalamnan ni Chong at bigla na lamang siyang napatitig sa nagniningning na mga mata ni Angge, sabay smile.

    comment ko: nadagdag ko na si jm. :)

    ReplyDelete
  19. "Uuuy, Dunhill Frost din pala brand mo?" laking tuwa ni Angge, at pa-cool naman at smug itong si Chong -- pero sa kanyang isip: yes, we have something in common.

    ReplyDelete
  20. Nagbigay na lamang si Chong ng kanyang pinakamatamis na ngiti na siya namang sinuklian ni Angge ng isa ding ngiti - sa oras na yon ay tila tumigil ang mundo para sa dalawa.

    ReplyDelete
  21. Parang nakarinig si Chong ng background music -- unfortunately, hindi bells -- parang si Gavin de Graw, kumakanta ng "Oh, this is the start of something good, don't you agree..."

    ReplyDelete
  22. Sabay sambit ni Angge ng, "Nagjog ka na ba? Tara jog tayo para makapag warm-up," isang paanyayang nagbigay ng abot tengang bungisngis kay Chong.

    ReplyDelete
  23. Sumagot naman si Chong na na-lockjaw dahil sa abot-tenga niyang tawa: "Sige jog tayo. At dahil kasabay kita mag-jog, hindi ko bibilisan ang takbo ko para sabay lang tayo at para mapunasan ko kaagad ang pawis mong kasing sarap ng wine at kasing tatag ng sunshine."

    (comment: at sa kabila ng lahat ng ito, sino ang nagsasabi ng totoo? haha)

    ReplyDelete
  24. Napasambit nalang si Angge," Aww, ang sweet mo naman. Sige, pipigain ko sa wine glass ang bimpong pampupunas ko ng pawis mamaya."

    ReplyDelete
  25. (SINGIT LANG: gawa raw tayong yahoogroup, pero narealize ko, mas maganda iyong facebook group -- kasi hindi siya nafflood ng spam, mas madaling i-manage, at mas convenient mag-share ng pics and events. so gagawa ako, kaya iyong mga hindi nagffacebook diyan, magfacebook na. hehe. :p)

    ReplyDelete
  26. Chapter 2

    Habang akala nating nagkaka-igihan na si Chong at si Angge, dahil sa kanilang very physical pagbabanggaan, sugatan, at tapunan ng pigskin sa field, biglang may sumulpot sa Sunken Garden at nagpakilala sa ating leading lady, "Hi, I'm Cristiano Ronaldo, I'm joining your team today."

    ReplyDelete
  27. Nalag-lag na lamang ang panga ng ating bida sa kanyang nasilayan, naramdaman niyang kumabog ang kanyang dibdib at tila may narinig pa siyang soundtrack na tumugtog - si Sam Milby kumakanta ng "I'm falling In Love."

    ReplyDelete
  28. Napaisip na lamang ang ating bida "totoo ba 'to? meron ba talagang ganito ka-guwapong nilalang? asan ang mali? asan?!."

    comment ko: nice, rory. pero san nanggaling ang cristiano ronaldo? hahahahaha

    ReplyDelete
  29. Ngunit saang angulo man tignan ay wala siyang makitang mali kay Cristiano at lahat nalang ng kanyang tanong ay nalusaw matapos siya bigyan ng isang swabeng ngiti ni ginoong Ronaldo.

    comment ko: sinuggest ko kasi kay rory na dapat may soccer reference. hehe.

    ReplyDelete
  30. Nabitawan niya ang hawak niyang bote ng Mountain Dew, at agad niyang inabot ang kanyang kamay para kamayan ang makalaglag-pant... pangang si Cristiano: "Hi, I'm Angelica."

    [side: Mas bagay ang Angelica. O kaya Andrea?]

    ReplyDelete
  31. At nang makadaupang palad ni Andrea si Cristiano ay tila tumigil ang mundo na para bang silang dalawa lang ang nasa buong Sanlibutan at muli siyang nakarinig ng soundtrack - "We Belong" ni Toni Gonzaga.

    ReplyDelete
  32. "OW!" sigaw ni Cristiano nang naudlot ang kanilang pagtititigan ni Andrea dahil sa tumamang football sa kanyang panga.

    ReplyDelete
  33. "Omigosh! Are you okay?" ang bulalas ni Andrea sabay himas sa panga ni Cristiano.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

I'm half gay. That makes me 1/4 female.

Adventure update

Inanities