For its therapeutic effects

Anak ng pitumpu't pitong puting tupa naman! Sana mag May 14 na!

Lord, hindi ko pa po mawari sa ngayon kung bakit at paano ko inattract itong bwakanangsheet na challenge na ito sa buhay ko. Pero since nandito siya I guess ready na ako para harapin ito kaya salamat na din po.

The last time I felt this way (i.e. just about ready to volunteer to die) was when I was organizing the Season 2 ( o 3 ba yon? sa kawindangan ko i forget.) special show of Wazzup, Wazzup. Although hindi ko pa naman naaabot yung feeling of hopelessness na naramdaman ko matapos magrequest ng red carpet at bar stools sa props division ng ABS at malamang ako nalang ang natira sa TOC dahil lahat ng staff ay nasa greenbelt na kaya kailangan kong buhatin lahat yon. Buti nalang umapir si Kuya Bong from out of nowhere para tulungan ako. (Kuya Bong I labs you!)

There were times na I felt I was about to snap though. Pero buo pa naman ako. Humihinga pa. Buhay pa. At sabi nga nila habang may buhay may apoy, este, pagasa. At di din naman nagkulang si Father God sa pagpapaalala na suportado niya ako 100 and 10 percent. Ako lang daw kasi matigas ang ulo.

So sa lahat ng mga kaibigan kong sumuporta, nagtetext sa akin ng mga bandang 11:30 ng gabi habang ako'y nago-OT at sila'y nasa bahay na. Ang mga nagwa-ym ng mga motivational lines. Sa mga nagsasabing, "Kaya mo yan!" at "I believe in you!" when I forget to believe in myself. Salamat.

Special mention na din kay Chris at Tin na walang sawang nagtetext sa akin na magrelax lang at magpray at wag masyadong pa-gwapuhin ang mayor ko.

Special mention din kay, Nhinya, who understood why I couldn't meet her nung umuwi siya galing Singapore and for believing in me. Mauna ka na mag graduate school, Nhinya-pot. hehe.

Special mention din kay Aves. Those were very inspiring words, Aves. I can't tell you enough how grateful I am. And the e-card was the icing on the cake.

Special mention to my Banahaw family. You guys know who you are. I love you! Mwahugs!

Maraming salamat din sa mapagmahal kong mga magulang at kapatid na minove ang pagpunta sa Laiya dahil di ako makakasama. Awww moment yon for me.

At siyempre Sayo, Lord. Lupit mo magmahal talagang grow or die. O siya, I trass You na. I surrender to You. Salamat sa iyong Love. Salamat sa suporta. Salamat sa lahat.

Salamat for this award!

I deserve the best and I accept it now. Thanks for this opportunity to further refine myself.

(Frank was right, this is therapeutic. Well, back to the grinder.)


Comments

  1. o diba? nagka oras ka bigla....hehe.. :D

    ReplyDelete
  2. Red, forget the past, don't let the mole haunt you. :)

    ReplyDelete
  3. haha. tama ka chaps, nakaraan na si nunal. :)

    ReplyDelete
  4. ikaw man, kapatid ay miss ko na. punta kayong sunken bukas. may flag football. hehe.

    ReplyDelete
  5. unga noh!?! sige2... sino2 kayo?

    ReplyDelete
  6. kami and a few friends...sama mo na rin si nina, antagal na nya sinasabi na sasama sya..haha.. :D

    ReplyDelete
  7. hehehe... uba i will... =) wat time ba?

    ReplyDelete
  8. kapatid, kayang-kaya mo yan! madami tayong gala pagkatapos niyan, hehe...

    ReplyDelete
  9. salamat! oo nga eh. dadating din tayo diyan. lalampasan ko muna ito. :)

    ReplyDelete
  10. Thanks for the share Red. Somebody out there needs to hear that. When we tell our "wins", we support and inspire others. Keep on sharing "wins", guys. And keep on healing "losses", specially relationship losses.

    ReplyDelete
  11. Ay sorry, na-lost ako sa sirkulasyon.
    Anong meron sa 14? Kaya mo yun pero anong meron?

    ReplyDelete
  12. Thanks din po, Tito Frank. It also feels good to share.

    ReplyDelete
  13. May 14 ang aking liberation day. Ang pagtatapos ng pag manage sa inoorganize naming events for our sister lgus.

    Salamat sa vote of confidence. Todo na to!

    ReplyDelete
  14. Kuya Red! I'm sorry I felt like I was the one who wasn't able to make enough time to meet you nung umuwi ako... anyway, I'll be home in July so maybe by then makapag roadtrip tayo heehee :p

    ReplyDelete
  15. asows! okay lang, nhinya-pot. malas lang. we'll have our time. pagbalik mo sa july pwede na tayong mag road trip anywhere! haha.

    ReplyDelete
  16. ako yun!!! isa ako sa nagy-ym!!! promise ako yun!!! nakita nyo ba pangalan ko? ay nde ba nabanggit?...siguro kse sabi ko kay red porn lang ang sagot sa stress nya nun...sorry po Lord!!! next time nde ko na po sya tuturuan ng kabulastugan para mamention na name ko!...haaaaay!

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

I'm half gay. That makes me 1/4 female.

Adventure update

Inanities