Sarah's

Marahil ay hindi kumpleto ang buhay estudyante ko kung wala ang Sarah’s. Isang kahunghangan kung ni isang beses di ako pumunta dito. Ang Sarah’s lang marahil ang lugar sa UP Diliman campus na nagpapadama sa akin ng essence ng UPLB campus, ang essence ng inumang walang humpay. Kaya naman di ako masyadong naho-homesick noon.

 Parang UPLB din ang atmosphere sa Sarah’s. Napakasimple ng disenyo ng lugar, samu’t-saring mga lamesang gawa sa kahoy o semento ang nakakalat dito. Nakapalibot naman sa mga lamesa ang mga monoblock chairs o kaya’y mga bangko kung saan ang mga Isko at Iska mula sa iba’t-ibang kolehiyo ng Unibersidad ay nakaupo at nakabilog.

 Pati presyo ng alak, presyong probinsya. Para sa mga katulad kong di mahilig sa mga bar, kung saan di makatarungan ang presyo ng beer, Sarah’s is the place to be pag nasa Diliman area. Malayo na ang mararating ng isang daan mo.

 Hindi masyadong maingay sa Sarah’s dahil residential ang palibot, bawal ang sobrang ingay. Pinapagalitan ka nila ate Emma pag maingay ka. Wala din masyadong mga burgis dahil karamihan ng nandoon ay mga anak-pawis. Karamihan pa ng nandon ay estudyante ng Unibersidad kaya alam mong may sense sila kausap.

 Pag nandon na ang tropa at nakabilog na sa lamesa tuloy-tuloy na ang saya. Minsan magkakantahan pa. Parang pamilya na ang turing sa mga tagapamahala’t serbidora. Kung gabi-gabi ka pa don, kilala ka na ng lahat.

 Sarah’s napakalaking puwang ang pinunan mo sa aking pagkatao. Isa ka sa mga dahilan kaya okay lang na di na ako nag-transfer sa eLBi. Nandyan ka naman eh. Kaya naman kahit ngayon, panay pa din ang balik ko sayo.

Subalit, hanggang ngayon di ko pa din kilala kung sino si Sarah.

Comments

  1. Bakit pagkaalala ko non-alcoholic na ang Sarah's nung nasa UP tayo? Hahaha... Kaya kami sa Abbyluz (carinderia and sari sari store)...hahaha...

    ReplyDelete
  2. yung Gulod ang naging non-alcoholic. Yung Abbyluz kasi di ba nagsasara na ng mga 10pm. Sarah's hanggang 1am pwede. hehe.

    ReplyDelete
  3. Ohh.onga Gulod nga yun...hmm...di ko alam yung Sarah's ata...Hahaha, siguro dahil tanghali kami nagiinom sa Abbyluz...hwahahahaahhahaha...

    ReplyDelete
  4. ako rin di ko ito napuntahan ito. hay naku.

    ReplyDelete
  5. nag-dinner kami kanina ni ros sa likha diwa. tapos niyaya ko siya dito. ayaw niya. hindi daw siya nagpupunta dun. hmmpf! shonda! hahaha

    ReplyDelete
  6. huwat?! bakit di nagsasarah's si ros? that is preposterous! hehe. dapat madala siya don. dalin natin! hehe.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

I'm half gay. That makes me 1/4 female.

Adventure update

Inanities