Superhero ba 'ka mo?

Sana ako nalang si Batman...

Para ako na bahala sa lahat at paniguradong pulido ang gawa ko. Ikaw ba naman ang bigyan ng mahiwagang utility belt na naglalaman na yata ng lahat ng solusyon sa lahat ng klase ng problema sa mundo. Sikat pa ako sa chicks.

Sana ako si Spider-man...

Para may spider-sense ako upang makaiwas ako sa matitinding gulo. Pwede pa akong tumambay sa mga dingding ng mga gusali. Sikat pa ako sa chicks.

Sana ako si Shaider...

Para pag nagkakainitan na tatawagin ko na si Vavilos at pasasabugin lahat ng maaangas na gustong humassle sa akin. Sikat pa ako sa chicks, lalo na kay Ani.

Sana ako si Gokou...

Para pag gipit na ako, magsu-super saiyan ako at ikakame hame wave lahat ng gustong yumurak sa mga pangarap ko, at kaya kong iligtas ang mundo.  Sikat pa ako sa mga chikiting.

Sana ako si Darna...

Para kahit nakikipagrambulan mukhang diyosa at seksi pa din ako. Sikat pa ako sa mga chi-- ay di na pala. Charing.

Pero paano ba yan hindi ako superhero, kasi si Red lang ako.

Ay wala palang "lang" dapat yon. Si Red ako, at di ko na pala kailangan maging superhero dahil kahit karaniwang tao ako - wag ka! - si Lord naman ang backer ko. Walang makakahadlang na problema sa patuloy na pagyabong ng aking sarili, kasi nga si Lord ang backer ko. Taob lahat!

At aanhin ko pa ba ang maging superhero? Sa dami ng mga kaibigan at nagmamahal sa akin na binigay ni Lord, kahit ano pang trobol o gusot yan, kayang lagpasan.

Kaya kahit tulad ngayon na mejo nakakadown ang mga pangyayari sa aking mundo, kaya ko pang ngumiti, mag joke at tumawa. Konting malas lang naman yan. Lilipas din 'ika nga. Kayang daanin sa kape at usapan. Kayang ilakad lang.

Kaya nagpapasalamat pa din ako. Dahil punong-puno pa din ng biyaya ang buhay ko. Kaya ko pang mag "Relaaaaksss, watch a movie," at ngumisi-ngisi lang. Tenk yu, Lord!

Ayoko na din palang maging superhero. Dahil ang mga superhero tila laging pasan ang buong mundo. Buti ako pasong may lupa lang buhat ko, pwede ko pa bitawan. Sisiw lang.

Naisip ko tuloy, kawawa nga naman si Batman. Siya nalang lagi ang bahala.

Sa puno't dulo din pala, sapat na na tao ako na backer si Lord. Sapat na ako maging si Red. I am good enough, kumbaga.

Kaya itong pagod na nararamdaman ko, ilalakad ko nalang muna. Maghahanap na din ako ng kainuman ng kape at kausap. I'm sure, may hinanda ng tulong ang backer ko.

Salamat po, Lord. Dahil po sa Inyo, all is swabe sa buhay ko.

Comments

  1. Go Super Red! Wow, we've got the same Boss. Cheers :)

    ReplyDelete
  2. I remember someone telling me. "Hindi ikaw si superman na hindi nasasaktan. At kung ikaw nga, siya na nga ang kryptonite mo. SOMEBODY SAVE YOU."

    Tapos naisip ko, oo nga malungkot maging Superman (na takbuhan ng mga malulungkot na chicks. hahaha). Mas masaya na ikaw ang sinesave. SAVE ME! SAVE ME! Hehehe

    (Siyempre ibang context ako. Pero superhero thing pa rin naman)

    ReplyDelete
  3. Carms: Salamat. Astig ng Boss natin 'no?

    Jeco: Di na natin kailangan maging Superman o Batman. We're already superheroes in our own right, I believe. hehe.

    Frank: Salamat, tsong. Alam ko din naman na okay lang eh. Gusto ko lang magreklamo ng konti sa blog dahil walang malapit na pasong pwedeng basagin. hehe. Gusto ko na maglaro sa Sabado. Pantagal din ng stress yon. hehe. At Banahaw next week siyempre. :)

    ReplyDelete
  4. This one, I've got to agree with.
    Wala nang mas aastig pa sa Kanya.

    ReplyDelete
  5. Love it, red! you are good enough, not because ikaw ay ikaw but because si God ay si god. So in the end, all is well.

    Usap tayo ulet, ha!

    ReplyDelete
  6. ^ Yup, all is swabe! hehe.

    Sure ba! Kape tayo minsan! :)

    ReplyDelete
  7. kuya red, i can't imagine you in tights.. =P so ok lang yan... we are all good enough... =) labya!

    ReplyDelete
  8. thanks, thanks. :) yup, we are all good enough. at don't worry wala naman ako plano mag-tights. hehe

    ReplyDelete
  9. Nakakatawa tong post na to, had me cracking up at 4AM (na medyo bangag na)... natawa ako kasi ang lalim nung Tagalog tapos yung mga words para sa away: trobol humassel hahahaha...parang siga...haha..sorry ewan ko ba sobrang funny...
    anyhoo, para naman hindi mukhang sabaw ako ngayon, I agree sa iyong post. At si Lord talaga minsan ay mapagbiro, para naman hindi nawawalan ng excitement ang buhay natin...

    ReplyDelete
  10. ^ haha. thanks, marela. natuwa naman ako at natawa ka. hehe. at tama ka, mapagbiro nga si Lord para gawing exciting ang buhay.

    ReplyDelete
  11. ngayon ko lang nabasa ito ah, anong petsa na? hehe.. but mabuti na rin na ngayon ko ito nabasa, because with my current state of mind, this entry made me feel good. for a while it made me forget all the problems crowding my mind. and yeah, it also reminded me that lahat ng pinu-problema ko ngayon ay magkakaroon rin ng solusyon,kaya wag masyado dibdibin. everything will be okay dahil ang backer mo ay backer ko rin, hehe!

    ReplyDelete
  12. ^it makes me feel good that what i wrote made you feel good. tama, lahat ng ito'y lilipas din at lahat masusulusyonan. at kahit ano pa yang problema mo sisiw lang yan dahil sa matinding na backer natin. hehe. ingat lagi, kabz!

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

I'm half gay. That makes me 1/4 female.

Adventure update

Inanities