Patawad

Paano ba ang effective na paghingi ng tawad sa palengke at mga tiangge?

 Di naman sa wala akong kaalam-alam, lagi ko nakakalimutan eh, or worse, minsan nahihiya akong tumawad.

 Pakiramdam ko kasi, kung sa tingin ko mababa na yung presyo, ayoko na tawaran pa. Kung mahal naman at tumawad ako, yung unang pinababang presyo na ibibigay kinakagat ko na.

 Naiinis nalang ako pag napapunta ako sa ibang bilihan na may ganon din namang produkto pero mas mura. Eh wala na akong magagawa. Kasalanan ko din naman dahil una, tinamad ako mag-ikot at pangalawa, yun nga, bopols ako tumawad.

 Kachat ko ang kaibigan kong si Tin at nagbabalak kami pumunta ng Divisoria. Sa ngayon, kahit mukhang masaya, di ko aasaming pumunta ng Divisoria magisa (bukod sa malamang mawala ako at magmukhang tanga, sayang pa yung matatawad ko sana sa mga nais ko bilhin). Kailangan ko pa si Tin  dahil hardcore yon tumawad (nanay na kasi. Hehe).

 Sabi niya siya nalang ang tatawad para sa akin pero di naman pwede laging ganon. Sabi ko nga sa kanya, ”You can’t haggle for me forever. You’d have to teach me how.”

 Eh di na nagreply lola mo.

 Kaya, please, turuan niyo ako sa sining ng pagtawad. Magagamit ko ito tiyak sa Christmas shopping.

 

Comments

  1. basta, ang pagkakaalam ko sa negotiations: simulan sa pinakamababang presyo, as in mababa mga kalahati. kung kayang maramihan para may bargaining power. kaya mo yan, charms lang! haha (note/disclaimer: di rin ako expert. hehe)

    ReplyDelete
  2. tanong mo muna yung presyo... tapos tanong mo, "last price na yun?"

    medyo bababaan pa nila yan minsan. kung di pa rin solb sa iyo, babaan mo pa konti. sabihin mo, "baka puwedeng P___ na lang, ate/kuya?"

    pag di pa pumayag maghanap ka muna ng ibang nagbebenta. minsan pag paalis ka na hahabulin ka pa at bibigay sa iyo yung item sa presyong gusto mo. :P

    ReplyDelete
  3. wow, the art of haggling. complex process boss. tama ang tactics nila. start at minimum. tapos ipaglaban mo yung gusto mong presyo. ganun lang ang tactics ko.

    sa divi, kung damit, decos, shoes, pangregalo ang hanap mo, tanong mo kagad kung magmakano wholesale. try to convince the tindera na may tindahan ang nanay mo at pinapatanong nya kung magkano tapos try mo kung pwede kumuha ng sample at wholesale price. yan ang technique ko dati. never fails me. kasi totoo naman na may tindahan ang nanay ko. at pag nagustuhan nya nyung binili ko, kinukuha din naman nya yun. kaso hindi ko alam if it still works. matagal na yung tactic kung yun eh.

    kailangan din ng pangpsych war tactics. tignan mo yung produkto na parang nakita mo na yun. tapos iparamdam mo yun sa manininda. tanong mo kung magkano. try to tawad. kung ayaw. walk away as if, nothing happened and try to make the maninininda "guilty" for not giving in to your demands. it works wonders toward the opposite sex.

    kung ate yung nagtitinda, huwag kang masyadong magpacute pero drop hints na cute siya. be amiable. haha.

    minsan nadadaan din sa body language. kung may type ka, huwag mo munang hawakan. tanungin mo muna yung presyo. try haggling. kung okay ang presyo, hawakan mo na at usisain - san gawa ito, magkano wholesale, etc. try to haggle for a lower price tapos kung ayaw, do the pa-guilty act. kung ayaw, give in to the price na reasonable sa iyo. tapos paguilyhin mo ulit.

    at kung mabait yung tindera, always try to get their number at contacts para kunwari i-rerecommend mo sila. hehe.

    ReplyDelete
  4. magandang strategy kapag namimili or tumatawad sabihin mo lagi sa nagtitinda aalis ka na kaya wag nalang. BIBIGAY nya un sayo sa pinakmababa na presyo.:) tip ni ate dar. :))

    ReplyDelete
  5. ewan ko pero nagagawa ko eh. agree ako kay angelica cruz. ganun yung ginagawa ko. kung ang presyo 300, usually sasabihin ko, "di ba pwedeng 200 nalang yan?" pag di pumayag, try mo 250 tapos last price mo na ang bawas na 20-30 pesos. ewan. pag maganda yung damit ok lang sa kin na medyo mahal. yung iba kasi mga rejects sa factory pero okay naman yung quality may konting himulmol lang kaya nireject. basta. mahirap. pero yun yung ginagawa ko yung ginagawa ni angge.

    ang haba ng sinabi ni kirk, pero sang-ayon din ako.

    ReplyDelete
  6. pero di ako sang-ayon dito dahil hindi ata tama na sasabihin ko na cute ang ka-gender ko. parang ayoko atang mapagkamalang boy.

    ReplyDelete
  7. hahahaha. bukas na kop magrereact. hahahahaha

    ReplyDelete
  8. ay. i disagree. hahahaha.

    another tip: kung ayaw pumayag sa gusto mong presyo (kunwari P200), sabihin mo "eh bakit naman po sa kabila 200 lang 'to...oo nga." pero in a nice way mo naman sabihin. yung pa-joke at pa-cute (again). may charms lagi ganyan. works naman fer meh. hehehe.

    ReplyDelete
  9. red wag ka mahihiya magpa "kyut" ang kaunti kay ate tumawad...computed na nila yung price kaya sila pumapayag magpa "tawad"...

    ...krisis ngayon bro, kaya dapat wala ng hiya hiya..(bitter?!) hehe....

    ReplyDelete
  10. pare, magsama ka na lang ng nde marunong tumawad..hehehe sabihin mo tuturuan mo sya tumawad! tapos pag may nakita kang mas mura sa inyong pagiikot sisihin mo yung kasama mo...o dba nde ka guilty nun! yan lang ang maipapayo ko syo..it works wonders promise! natuto na si letlet tumawad!!! yun nga lang ako nde pa rin...pero magaling na ako mansisi...ahihi

    ReplyDelete
  11. ahaha. salamat sa mga payo. grabe naman ang dami ko pang kailangan tandaan at gawin. tama si kirk ang komplikado naman tumawad. magpapayaman nalang ako. haha.

    maraming salamat ulit sa inyo.

    david - tol wala ka talagang kwenta kahit kailan. hehe. makakapunta ka sa sunday?

    ReplyDelete
  12. ako rin hindi marunong tumawad! ahaha.. :D sanay kasi sa mall at supermarket..ahaha.. :D

    ReplyDelete
  13. Sosyal! hehehe. joke lang kuya frank. kay tita day kayo magpaturo tska kay mama, naku queens of tawad yung mga yun! hehehe

    ReplyDelete
  14. ^sa binondo ba naman nagpa-practice eh. haha. actually nanay ko din magaling eh, pati kapatid ko. ako lang yata di nakamana. haha.

    ReplyDelete
  15. at oo, sosyal talaga yang si frank. pang-Rustans. hehe.

    ReplyDelete
  16. ^ marunong ang sister ko (sanay kasi sa tiangge at laging kasama ni nanay sa christmas shopping) ako, hindi talaga...kasi, simula pa lang ng bata ako, wala na kong tyaga sa pakikipag siksikan sa pamimili ng damit, etc..kaya pagdating sa haggling, wag nyo ko tanungin dyan..haha..:D

    sabi ko nga, mas matagal ako mamili ng libro kesa damit...pag-iisipan ko pa yung merits ng ganitong libro compared sa other..haha..sa damit, look, buy and run ako e..tanungin nyo si kirk..hehe..:D

    pang rustans na ba ko? :D pang SM pa lang ako e...di bale, pag nakuha ko na yung $200M ko, afford ko na ang merchandise ng rustans..:D

    ReplyDelete
  17. sa 200 million, pag nagshopping di na uso tawad! hahaha

    ReplyDelete
  18. makakatawad ka ba sa rustans? ahaha..:D

    ReplyDelete
  19. gudluck kung kaya! hahaha. kahit tumawad ka, sabaw pa rin.

    ReplyDelete
  20. kid... first time ko sa dv and 168 eh automatic may tawad na. hehehehe.

    basta always ask sa tawad... sanay na mga tindera dun. mas ok kung 2 items bilihin mo sa tindahan para di kakahiya rin.

    sa bangkok walang ganyan... tawaran dun pag marami ka bibilihin eh dun lang start yung tawad. swerte pa rin tayo dito. Mecca pa rin divisoria.

    ReplyDelete
  21. ^haha. gusto ko na nga itry powers ko sa dv eh.

    ReplyDelete
  22. minsan pare tataka pa tindera dun pag di ka natawad... ikaw pa mukhang weird sa kanila.

    sched ko sa dv eh sa dec. 7... hehehehe

    ReplyDelete
  23. Ang sabi ng marketing professor ko ang totoo raw na SALE talaga pag nag-sale ay Rustan's. So I guess di ka na makakatawad sa kanila kasi totoong PRICE OFF pag Price off. Di ko alam kung gaano katotoo ito, di ko pa natesting tumawad sa kanila eh.
    Depende ang pagtawad kung nasaan ka: sa China, start mo at 60%-70% off. Sa Divisoria, ang key eh ang paghanap ng wholesale price at pagbibigay ng impression na despite may mura sa iba, parang mas maganda ang stock dito. I benchmark mo sa wholesale. O kunyari me tindahan kayo or you got this stuff dati at this price before, para you can haggle.
    Depende rin sa produkto: minsan pag maganda at de kamay ang paghabi ng tela, naiinsulto ang tindera pag tumatawad.
    ANother tip: pag kumuha ako ng madami, normally, sinasabi ko babalik ako sa iyo, irerefer pa kita. pero tinotoo ko naman ito, lalo na pag maganda ang stock nila.
    Ang susi ay nasa pagbati, depende sa first impression ng mga tao sa iyo, ang laki rin ng iyong discount. Smile and be friendly, and really mean it. Pagod na pagod siguro ang tindera/tindero lalo na pag hapon, pag napangiti mo sila, tiyak magbibigay yan kahit konting tawad.
    Sa huli't huli, lakasan ng loob sa pagtawad.
    I-flash ang killer smile. :) Go go!

    ReplyDelete
  24. Ang sabi ng marketing professor ko ang totoo raw na SALE talaga pag nag-sale ay Rustan's. So I guess di ka na makakatawad sa kanila kasi totoong PRICE OFF pag Price off. Di ko alam kung gaano katotoo ito, di ko pa natesting tumawad sa kanila eh.
    Depende ang pagtawad kung nasaan ka: sa China, start mo at 60%-70% off. Sa Divisoria, ang key eh ang paghanap ng wholesale price at pagbibigay ng impression na despite may mura sa iba, parang mas maganda ang stock dito. I benchmark mo sa wholesale. O kunyari me tindahan kayo or you got this stuff dati at this price before, para you can haggle.
    Depende rin sa produkto: minsan pag maganda at de kamay ang paghabi ng tela, naiinsulto ang tindera pag tumatawad.
    ANother tip: pag kumuha ako ng madami, normally, sinasabi ko babalik ako sa iyo, irerefer pa kita. pero tinotoo ko naman ito, lalo na pag maganda ang stock nila.
    Ang susi ay nasa pagbati, depende sa first impression ng mga tao sa iyo, ang laki rin ng iyong discount. Smile and be friendly, and really mean it. Pagod na pagod siguro ang tindera/tindero lalo na pag hapon, pag napangiti mo sila, tiyak magbibigay yan kahit konting tawad.
    Sa huli't huli, lakasan ng loob sa pagtawad.
    I-flash ang killer smile. :) Go go!

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

I'm half gay. That makes me 1/4 female.

Adventure update

Inanities