Punyemas!

Ngayong eleksyon, madami akong nakikilalang nakaka-inis na tao. At mayroon din yung talagang bwakanang-siyet na lang.

Ngayon, yung mga supplier na dinadaan sa pagpapacute ang mga bulilyaso nila, bwakanang-siyet yung mga ganon.

Hello! May usapan na nga eh tapos biglang ngayon magiimpose ng kung ano-anong request. Kung di mo pala kayang tumupad sa usapan e di sana sinabi mo nung una nang hindi ikaw ang kinuha namin. Pero siyempre di pwede yon di ba? Sayang yung perang galing sa amin. Kaya nag-magaling ka. Eh nagmamagaling ka yun pala hindi ka din uubra pag oras na ng implementation. Kaya tayo naiipit eh. Lalo na ako! Nakakalbo na ako sa kakaayos ng mga problemang dinadala mo.


Tapos ngayon, ano, may bagong problema ka na namang ihahain? Tapos sa akin mo pa gusto ipaayos?! Teka lang, ako (kami) ang kliyente a. Kami ang nagbabayad bakit kami mamomroblema? Bwiset!

Kung tutuusin hindi ko problema na wala kayong pondo para sa manggagawa niyo. Ang linaw ng usapan natin, 50% down, 50% upon completion. Eh wala ka pa nga sa kalahati ng deliverables gusto mo na ng full payment?! Pucha naman! Hindi yon ang napagkasunduan!

Hay, nagpakatanga-tanga kasi din ako eh. At napressure dahil crunch time na. Tsk, tsk.

Pero ngayon, hindi na pwede ang ganito. Nauntog na ako at natuto. Hahanap na lang ako ng iba na maayos kausap. Siya na lang ang irerekomenda ko. Nakaka-asar ka eh.

Buti 34 days na lang.

Siyet!

Comments

Popular posts from this blog

I'm half gay. That makes me 1/4 female.

Adventure update

Inanities