Happy Nanay's day



Gaya nga ng sabi ko dati, kung ako si Superman, ikaw yung yellow sun ko. Kung ako si Batman, ikaw yung utility belt. Kung ako si Spider-Man, ikaw yung radioactive spider. At kung ako si Captain Barbell (para may local superhero naman), ikaw yung barbell.

Ikaw ang pinagmumulan ng super powers ko. Ikaw ang aking inspirasyon. Ikaw ang pinaghuhugutan ko ng lakas, mula pa noon hanggang ngayon.

Proud ako dahil anak ako ng nanay ko.

Mahal kita, Nans! Happy Nanay's day!

Comments

Popular posts from this blog

I'm half gay. That makes me 1/4 female.

Adventure update

Inanities