Posts

Showing posts from October, 2007

Tropa jargon

Ilan sa mga terms na malimit gamitin sa tropa. Para kung sakali na makasama niyo kami, maintindihan niyo sinasabi namin. 1. diyos ng Intsik – titulo ng lima sa aming tropa. Makakamit ang titulo na ito matapos gawin ang ritwal ng paginom ng tubig, bilang chaser sa alak, mula sa asul na cornflakes bowl na may mukha. Dapat nagiinuman sa Filipina apartments para dito. Bawat isa sa limang diyos ng Intsik ay may designation and they are as follows:  a. Pyro god – ang in charge na magdala lagi ng lighter o kahit anong pang sindi ng yosi b.Doobie god – ang pinaka wala sa sarili lagi. Kumbaga ay parang high lagi. At ang laging pasimuno ng laugh trip. c. Gay god – pinakamukhang barako pero mistulang bakla ang paguugali. d. Darkness god – pinakamaitim sa aming lahat e. Hydro god – yung may—ari ng private pool resort at ang laging takbuhan ng mga umiiyak na katropang babae. 2. Erms at erps – term namin sa mga parent...

If you can't out drink me, at least have coffee with me.

Nagkita-kita kami ng mga kaibigan ko mula UPLB. May matagal na panahon na din mula ng huli kaming magkasama-sama, kaya naman excited ang lahat, lalo pa at si Goldine ang nagtawag (note: bawal tumanggi sa yaya ni Goldine. Ang salita ni Goldine ay batas.). Doon kami nagkita-kita sa may Shangri-La Mall, sa may gimik strip doon (pasensya di ko alam tawag don.). Natuwa ako at may nakasama akong mga taong dugong LB ang dumadaloy sa ugat. Siyempre, kainan at inuman ang drama, dagdagan mo pa ng sangkaterbang kakulitan. Napakasaya talaga, minsan lang makabalik sa sirkulasyon. Gaya ng inaasahan, umapaw ang beer. Minsan lang ako magkaroon ng pagkakataon makipag-inuman sa mga taga LB kaya naman nilasap ko na ang pagkakataon (note: wala pa, sa talambuhay ko, akong kakilalang taga UP Diliman na nakayang sabayan ako sa inuman.). Lubos akong nasiyahan, at medyo nabitin, dahil matapos ang aking ikawalong bote ng San Mig Light ay nagyaya ng maguwian. Kaya niyaya ko muna si Gingy mag-Mini Stop para makap...

The Magic is Here

Sale ang tickets sa Enchanted Kingdom hanggang November 30! P380 nalang ulit ang all-access ticket in celebration of EK's 12th anniversary. Kailangan mapagsamantalahan ang pagkakataon na ito! Syet! Last ko yatang punta ng EK high school pa. Alpha One Cowboy pa nasa Rialto at wala pa ang Rio Grande Rapids. Kailangan makabalik na ako. Nakakahiya, taga Laguna pa naman ako. EK na itow! (note: dapat bayaran ako ng EK sa pag-plug sa kanila.)

Mag-adventure naman tayo, plis!

Kung totoong nangyayari ang mga nasa commercial ng safeguard, bigla nalang may lilitaw sa aking tabi at magsasabing “Red, ako ang iyong konsensiya. Mag-adventure naman tayo, plis!” Sa loob-loob ko kasi yan ang trip ko, ang makahanap ng adventure o kaya ng bagong challenge. Sa kanyang simplest form, gusto ko maglayas at magliwaliw. Naisip ko kasi, hindi ko namamaximize ang kaladkarin powers ko. Mas madalas kasi, lamang-bahay lang ako. Di naman sa nagrereklamo ako. Masarap matulog, magbasa, manood ng TV sa bahay. Kaso kating-kati na ang mga paa kong makalabas ng bahay. At mukhang tapos na ako sa phase na umiikot ang buhay ko sa mall kaya di pwedeng don nalang ako pupunta. Nararamdaman ko na kasi na tinatawag na ako ni Mama Earth. Yun nga lang, konti lang ang trip ko puntahan dito sa Maynila na Mama Earth inspired. Napaka-polluted kasi dito sa lungsod at kitang-kita ang pagka-alipusta kay Mama Earth. Kung tutuusin, UP Diliman Campus na ang paborito kong ko dito dahil doon na a...

Ang soul mate kong may boyfriend

Yan ang tawag sayo ng isang kabarkada ko.   Natawa ako nung sinabi niya yon at naramdaman ko ang implied message na, “Tanga ka, tol!” sa boses niya. Palibhasa kasi di pa din siya naniniwalang posible at nagagawa natin na platonic ang ating relasyon.   Nakakatawa lang kasi minsan dahil marami tayong kaibigan at kakilala na may pagka sexual ang perspective sa ideya ng relasyon. Pwede naman kasing hindi ganon ang siste. It’s just a matter of choice. Sa tingin ko, sa parte kasi natin, pinili nating ibase ang ating relasyon sa taos-pusong pagmamahal, pagtitiwala sa isa’t-isa at respeto, at hindi sa libog.   Oo, alam ko at alam mo din na tao lang tayo at minsan pumapalya ang mga prinsipyo’t desisyon natin. Sabi nga, tao lang eh. Pero ang gusto ko sa atin binabalikan natin ang ginawa nating pundasyon ng ating pagkakaibigan at kaya nating patawarin ang ating sarili at ang isa’t-isa kung may matisod man satin. Kaya nating magpakatotoo sa isa’t-isa at di natin ginaga...

One Week

For an entire week I won't be going to work. Thank God for whoever came up with mandatory leave. This is a great opportunity to catch up on my reading, sleeping and lazing around. I can also go to maximum kaladkarin mode. One week of freedom. It's quite fortunate as well that Nhinya's going home from Singapore this week. We have lots of catching up to do and now we have the opportunity to spend time with each other. One more kaladkarin person, my beloved partner in crime. This week is going to be awesome, with Ma'am Day's birthday topping it off on Saturday. Now, I wonder if I'll really be able to read, sleep or laze around. It seems I'll be busy running about. Oh well, I'm sure it's going to be a fun week. :)