Ang soul mate kong may boyfriend

Yan ang tawag sayo ng isang kabarkada ko.

 Natawa ako nung sinabi niya yon at naramdaman ko ang implied message na, “Tanga ka, tol!” sa boses niya. Palibhasa kasi di pa din siya naniniwalang posible at nagagawa natin na platonic ang ating relasyon.

 Nakakatawa lang kasi minsan dahil marami tayong kaibigan at kakilala na may pagka sexual ang perspective sa ideya ng relasyon. Pwede naman kasing hindi ganon ang siste. It’s just a matter of choice. Sa tingin ko, sa parte kasi natin, pinili nating ibase ang ating relasyon sa taos-pusong pagmamahal, pagtitiwala sa isa’t-isa at respeto, at hindi sa libog.

 Oo, alam ko at alam mo din na tao lang tayo at minsan pumapalya ang mga prinsipyo’t desisyon natin. Sabi nga, tao lang eh. Pero ang gusto ko sa atin binabalikan natin ang ginawa nating pundasyon ng ating pagkakaibigan at kaya nating patawarin ang ating sarili at ang isa’t-isa kung may matisod man satin. Kaya nating magpakatotoo sa isa’t-isa at di natin ginagawang komplikado ang mga bagay-bagay by nursing guilt and lying to each other. Ito sa tingin ko kung bakit tayo masaya.

 Minsan tuloy naiisip ko kung paano kita ipakikilala sa girlfriend ko (sa pagkakataong magkaron na) na hindi siya magseselos. Kasi package deal tayo, ika nga. Buy one take one kumbaga.

 Pero sa tuwing naiisip ko ito, naiisip ko din ang sinabi mo, “Sa tingin ko naman di ka naman maggigirlfriend ng hindi kayang intindihin pagkakaibigan natin eh. Di yon papasa sa standards mo.”

 Matatawa nalang ako sa sarili ko dahil maaalala ko na, syet, tama ka.

 Dagdag pa dito, kung ikaw nakakuha ng boyfriend na naiintindihan tayo, sigurado akong kaya ko magkagirlfriend na maiintindihan din tayo. Sabi nga natin tungkol sa mga jowa natin, dapat secure sila sa sarili nila na sila din naman uuwian natin. At kung tumanda nalang akong single dahil walang pumasa sa standards natin, aampunin niyo naman ako ng boyfriend (na malamanglamang magiging asawa) mo di ba? Love mo ako eh (hehe).

 Nakakatuwa naman.

 Pero alam mo, tama nga kabarkada ko. Malamang mag soul mates nga tayo. Kahit tayo napagtanto natin na ganon nga. Pero mas malawak ang depinisyon natin ng soul mates. Isa pa magkaibigan tayo at matagal na nating napagkasunduan at alam naman natin na “Friendship is the highest form of relationship.”

 Kaya siguro ganon nalang kagaan ang loob natin sa bawat isa simula nung una tayong magkakilala. Kasi nga ikaw ang soul mate kong may boyfriend.

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

I'm half gay. That makes me 1/4 female.

Adventure update

Inanities