Mag-adventure naman tayo, plis!

Kung totoong nangyayari ang mga nasa commercial ng safeguard, bigla nalang may lilitaw sa aking tabi at magsasabing “Red, ako ang iyong konsensiya. Mag-adventure naman tayo, plis!”

Sa loob-loob ko kasi yan ang trip ko, ang makahanap ng adventure o kaya ng bagong challenge. Sa kanyang simplest form, gusto ko maglayas at magliwaliw.

Naisip ko kasi, hindi ko namamaximize ang kaladkarin powers ko. Mas madalas kasi, lamang-bahay lang ako. Di naman sa nagrereklamo ako. Masarap matulog, magbasa, manood ng TV sa bahay. Kaso kating-kati na ang mga paa kong makalabas ng bahay. At mukhang tapos na ako sa phase na umiikot ang buhay ko sa mall kaya di pwedeng don nalang ako pupunta. Nararamdaman ko na kasi na tinatawag na ako ni Mama Earth.

Yun nga lang, konti lang ang trip ko puntahan dito sa Maynila na Mama Earth inspired. Napaka-polluted kasi dito sa lungsod at kitang-kita ang pagka-alipusta kay Mama Earth. Kung tutuusin, UP Diliman Campus na ang paborito kong ko dito dahil doon na ang pinakama-punong lugar na alam ko.

Kaya naman nang magyaya mag-beach ang kaibigan kong si Nhinya nung nakaraang linggo, bentang-benta sa akin. Lumundag sa tuwa kaluluwa ko (kung posible man yon) pagdating sa Batangas. Ang dami-dami ko pang nakitang uri ng isda sa mga coral reefs doon, kasama pati na mga kamaganak ni Nemo.

At nung magyaya naman ang kaibigan kong si Jeco na pumuntang Camarines Sur game din agad ako. Kaso masyado namang tight yung sched nila kaya di na ako tutuloy. Sad…

Ang isa pa kasing pumipigil sa akin ay mejo magastos umeskapo. Kaya kailangan ko muna maghanap ng mga low-budget adventures.

Isang solusyon marahil ang umuwi ng Laguna ng mas madalas. Di naman mahal umuwi at isa pa don naman talaga ako nakatira. At least don mapuno-puno pa ang paligid. Mejo nakakalungkot lang na nabigo ang LLDA sa kanyang tungkuling pangalagaan ang Lawa ng Laguna. Ayun tuloy di na siya masyadong maganda.

Pero, madami pa ding pwedeng puntahan don tulad ng bundok Makiling, Pagsanjan Falls, at mga bukirin sa Pakil, Pangil, Famy at Siniloan. Pwede din mangusyoso sa underground cemetery sa Nagcarlan; isa-isahin ang seven lakes ng San Pablo; bumili ng sapatos sa Liliw (teka gastos pala yon, titingin nalang ako sa sangkatutak na mga tindahan doon); tumambay sa UPLB at umakyat sa Flat Rocks at Mud Springs; at bisitahin ang mga ilog sa Majayjay.

Oo nga, tama! Madami pa nga pala akong di napupuntahan sa Laguna. Dun ako magsisimula ng adventure, sa sarili kong bakuran. Malamang madami din akong madidiskubre na bago, pwede na ako magcontribute sa Living Asia pagkatapos.

Sa ngayon sosolusyunan ko naman ang aking Achilles’ heel na pinoint out ni Ma’am dati, ang aking super katamaran. Kasi naman kaladkarin ako, di ako nangangaladkad pero mukhang kailangan ko na kaladkarin sarili ko. Di bale, malamang madali na yon dahil nga konsensiya ko na mismo naguudyok sa akin.

Adventure na ititch! 


Comments

  1. kaya nga itext mo lang ako. hahaha.
    medyo "mother earth" din ang ecopark sa la mesa dam.
    haven't been there though.

    and my camsur isn't tuloy na. libing ng lolo ko sa sat :(

    ReplyDelete
  2. lam ko na, mag field trip na lang ang journ people. let's all save up and pick a Southeast Asian country. yung hindi usual tourist destination. tapos let's not plan where we'll stay or what places we'll visit. let's just buy a ticket and go to some place like Cambodia or Laos!! =)

    ReplyDelete
  3. oo nga pala 'no? may ecopark nga pala sa QC. pwede din don. pero explore ko muna ang laguna at iexhaust ang pwedeng puntahan. hehe.

    sayang di na tuloy yung cam sur pero tama namang don ka sa libing ng lolo mo. oh well, QT nalang muna sila julie. hehe.

    ReplyDelete
  4. hehe..yun lang talaga hindrance ng paglalakbay, medyo magastos...sayang nga yung 2 long weekend sa end of the month, pwedeng pwede na mag sagada or somewhere far..hehe..:D

    ReplyDelete
  5. aba, mukhang napakagandang ideya niyan ah. yan ang adventure, may pagka Survivor. hehe.

    sold ako sa idea mo geli, pwede nating gawin yan pagkatapos mo magreview at mag Bar. may time na makapagipon tapos wala ka na masyadong iisipin kasi tapos ka na magexam. ayos din ang Cambodia at Laos pero tapos na ba yung civil war sa kanila? baka dakipin tayo ng Khmer Rouge. hehe.

    Gusto niyo itry ang Vietnam? May adventure places kaya sa East Timor?

    ReplyDelete
  6. ehehe. oo nga eh.pwedeng maghanap ng mga masusukal na lugar at mawala muna for the long weekend.

    ReplyDelete
  7. ok. sold na sa akin itong idea na ito. date na lang. date na lang.

    oh please, sana matuloy. lahat na lang nang binabalak ko di natutuloy.
    hk last june, camsur this october, what's next? boracay sa november?

    ano pa ang hindi matutuloy?

    WAAAAAAHHHHHHHHHHHHH!!!!!

    wala lang.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

I'm half gay. That makes me 1/4 female.

Adventure update

Inanities