Tropa jargon

Ilan sa mga terms na malimit gamitin sa tropa. Para kung sakali na makasama niyo kami, maintindihan niyo sinasabi namin.

1. diyos ng Intsik – titulo ng lima sa aming tropa. Makakamit ang titulo na ito matapos gawin ang ritwal ng paginom ng tubig, bilang chaser sa alak, mula sa asul na cornflakes bowl na may mukha. Dapat nagiinuman sa Filipina apartments para dito.

Bawat isa sa limang diyos ng Intsik ay may designation and they are as follows:

 a. Pyro god – ang in charge na magdala lagi ng lighter o kahit anong pang sindi ng yosi

b.Doobie god – ang pinaka wala sa sarili lagi. Kumbaga ay parang high lagi. At ang laging pasimuno ng laugh trip.

c. Gay god – pinakamukhang barako pero mistulang bakla ang paguugali.

d. Darkness god – pinakamaitim sa aming lahat

e. Hydro god – yung may—ari ng private pool resort at ang laging takbuhan ng mga umiiyak na katropang babae.

2. Erms at erps – term namin sa mga parents namin.

3. Ninja moves – ang tawag namin pag kailangan umeskapo ng tahimik sa kahit anong gathering.

4.
Da moves – last resort pag pumoporma na sa chicks o nangsusuyo ng girlfriend ang mga katropa. Last resort siya dahil pag nag “da moves” na, ibig sabihin nilalabas na ang kanyang ultimate (at unique) technique sa pagsuyo ng babae. Kada isa sa amin may kakaibang skill sa panahon ng kagipitan.

Take note: Di lang ito pang guys. Ang mga kababaihan namin sa tropa ay may kanya-kanyang da moves din, iba pa tawag nila.

5.
Jackson (pangjajackson) – jackson ang tawag sa boylet o kahit potential boylet ng aming mga katropang babae. Pangjajackson naman ang aktong pag-acquire ng jackson.

Take note: Meron sa tropang tinaguriang jackson queen.

6. Pudiding gangsta – Ang gangsta na binuo ng ilan sa tropa. Ang initiation? Kailangan mo lang kumain ng pudding at ilibre ng pudding ang mga founding members. Preferably, galing Searca Canteen (sa UPLB) ang pudding na ililibre at kakainin mo.

7. Pud’s word – equivalent ng, “You have my word.” ng mga taga Pudiding Gangsta. Pag binitawan ang salitang ito para na din siyang nag-pramis na ang kanyang sinasabi ay pawang katotohanan lamang. Kung magsasabi ka naman ng sikreto sa isang taga Pudiding Gangsta at sinabi niyang, Pud’s word, asahan mo ng sikretong malupit ang sasabihin mo sa kanya.

8. Move no. 72/ ninjutsu no. 72 – trademark move ng isang katropa. Ito ay isang malupit at well-timed na tulak.

9. Alot (Alot sayo!) – Talo (nilagay lang yung t sa dulo), badtrip, asar and their equivalents. Alot sayo naman ang sinasabi pag badtrip ka sa isang partikular na tao.

10. Jedi mind trick (hango sa Star Wars) – skill sa pambobola o di kaya ay powers mangumbinsi ng tao (persuasion skills) o di kaya ay skill gumawa ng pekeng pangyayari at palabasin na totoong nangyari. Kumbaga ay mind manipulation. Hindi pare-pareho ang skill level sa Jedi mind trick ng bawat isa sa tropa pero napapraktis ito.

 
Tama na muna. Nilaglag ko na masyado ang tropa namin baka mahirapan na kami gumawa ng kalokohan sa susunod.

Joke lang.

Mababait kaming lahat sa totoong buhay.

Comments

  1. We also use NINJA MOVES - pangmatindihang flirting/getting to know/pambabakod na di napapansin ng mga tao. Magugulat ka na lang sa dulo pag napansin mong may mga developemnt na. Hehe... :)

    ReplyDelete
  2. ^ hehe kanya-kanyang tawag lang talaga. aba't mukhang bihasa ka yata sa ninja moves a. :p

    ReplyDelete
  3. na-miss ko na ang word na "alot". Rural days ko pa ito huling narinig. Although nagcocomeback na yata ito, dahil yung pinsan kong bagets eh naringgan ko nito kani-kanina lang. :)

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

I'm half gay. That makes me 1/4 female.

Adventure update

Inanities