Paalam Na


Paalam na.
Panahon na upang lumisan.
Upang tahakin ang ibang landas.
O di kaya’y balikan ang naiwan.

Lubha akong nahibang sa mga bagay,
Na di ko pa lubos maintindihan.
Nakalimot.
Nalito.
Naligaw.
Napuwing at napapikit,
Nakaligtaan ang katotohanan.

Ngunit napawi na ng luha
Ang butil ng buhangin sa aking mata.
Bukas na ulit ang mga ito.
Ako malamang ay natuto na.

Hindi pa naman huli ang lahat.
Ako’y may masasagip pa.
Maraming di napapanahon.
Maraming hindi pwedeng iasa.
Maraming kailangan pang paghandaan.
Kaya hanggang sa muling pagkikita.
Kaibigan, paalam na muna.

Comments

Popular posts from this blog

I'm half gay. That makes me 1/4 female.

Adventure update

Inanities