Ang Hiwaga ng Bilog

Nagsamasama nanaman tayo at nakakanta ng Salamat ng The Dawn!

Leche ka gay god to the nth power pero salamat na din sa iyo napauwi mo ako. Magaling, magaling, magaling. Natipon nanaman tayo sa lupain ng ating mahiwagang tree. Nandon din si pyro god at si darkness god. si doobie god lang ang wala.

Pero wala din si Nagumo may sakit kasi. Palusot! Wala din ang ninjang nagtataglay ng jutsu no. 72. Palibhasa naghahasik ng lagim sa ibang bansa. Pati ang Marino wala kasi nasa dagat. Sayang pero di bale. Something to look forward to ang matipon tayong lahat ulit. At nandon naman si SP the Mountain King para lalong masaya.

Matagal na na hindi nakakadaloy ang GMat sa aking mga lalamunan. Namiss ko na ang chipanggang alak. Namiss ko na tawaging chicha ang pulutan. Namiss ko na maglakad hanggang kanto para bumili ng yosi't yelo. Namiss ko na ang kwentuhan. Namiss ko magbaklaan. Namiss ko na magplano at masira ang plano at maging mas okay pa ang lahat kesa sa pinlano. Namiss ko na maging magulo.

Pero ang tunay na namiss ko, yung bilog natin. Matagal na akong di nakakasama sa ganong klaseng bilog. Bakla na kung bakla pero namiss ko kayo tol.

Tawa nanaman tayo ng tawa kahit katangahan na pinaguusapan. Lalo pa ngang lumalakas tawa natin pag wala ng sense ang mga topic. Potah, tol! Minsan lang ako humalakhak ng ganon. Iba talaga pag nasa Sanktwaryo tayo. Mabuhay ang LB! Ang pinagmulan ng lahat.

Bumirit nanaman tayo sa videoke at tinangkilik ang The Dawn. Kantahin ulit natin yon pag buong-buo na tayo. Pero tama, salamat at tayo'y nagkasamang muli. Salamat nga at may gabing nakalaan sa kaunting kasiyahan.

Iba pa din talaga 'no pag tayo ang magkakasama? Ang tibay din natin. Dating gawi pa din. Sa ilalim ng bilog na buwan sira nanaman mga ulo natin.

Potah ka, tol! Salamat pinauwi mo ako. No regrets. One of the best nights of my life.

O, tama na nga drama. Shot ko na eh.  

Comments

  1. awwww..ang shweet!! nakakamiss nga ang grupo nio....

    and sobrang miss ko na ren tumambay sa bahay nio...as in...pagnandon ka...parang wala kang problema eh...

    ReplyDelete
  2. dapat magpagawa tayo ng pantra natin. hehe.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

I'm half gay. That makes me 1/4 female.

Adventure update

Inanities