Yung wala lang

Ang tagal ko nang nakatunganga lang rito pero wala pa din akong maisip na magandang ideya para sa artikulong dapat kong isulat (at hindi ito yon, tumatakas lang ako).


Kung tutuusin madali lang naman ito, ewan ko lang kung bakit inatake na na naman ako ng katamaran. Maraming panahon naman na masipag ako, ewan ko kung bakit pa ako tinamaan ng pagkatamad ngayon. O baka nagdadahailan lang ako dahil talagang tamad ako.


Wala naman akong napapala habang nakatingin sa kawalan. Mas mabuti pa yatang nilaan ko na lamang ang panahon na ito sa pagtulog o kaya'y pagninilay. 


Aysus! Malamig na kape ko at minumura na ako ng konsensya ko, magtanim nalang daw ako ng punong kahoy kesa tumanga. At least daw nakatulong pa akong labanan ang climate change. 


Sadya lang sigurong may araw na ganito. Yung wala lang, ganon na lang. Sana pala inisip ko na lang kung paano lutasin ang world hunger. Baka sakaling may napala pa ako.


Hay life, masaya ka pa din.

Comments

Popular posts from this blog

I'm half gay. That makes me 1/4 female.

Adventure update

Inanities